^

Bansa

DOJ chief ‘di takot sa banta ng inmates

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon
DOJ chief �di takot sa banta ng inmates

Hindi natatakot si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na sa banta ng mga high profiles inmate na babawiin ang kanilang testimonya kung itutuloy ang paglilipat o pagbabalik sa kanila sa orihinal na piitan sa New Bilibid Prisons. Philstar.com/AJ Bolando, File

MANILA, Philippines - Hindi natatakot si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na sa banta ng mga high profiles inmate na babawiin ang kanilang testimonya kung itutuloy ang paglilipat o pagbabalik sa kanila sa orihinal na piitan sa New Bilibid Prisons (NBP).

Ibabalik ang mga high profiles inmates sa Bldg. 14 o maximum security compound na binabantayan ng mga miyembro ng Special Action Force (SAF).

Paliwanag ni Aguirre, may kanya-kanyang abogado ang mga high profile inmates nang magtestify. Wala umanong nanakot, nagbayad, pumilit o nangako sa mga ito upang tumestigo laban kay Sen. Leila de Lima.

Lumilitaw ngayon na ang DOJ pa ang kanilang bina-blackmail lalo pa’t boluntaryo ang kanilang pagtestigo at sabihin ang partispasyon ni de Lima.

Dagdag pa ni Aguirre hindi naman dapat na kuwestiyunin ang kanyang kautusan dahil ibinabalik lamang ang mga preso sa dapat nitong kalagyan.

Aniya, ang malaking kuwestiyon ay bakit inilipat ang mga high profile inmate sa medium security na hindi ma­tindi ang pagbabantay. “Di maaring di ko ituloy, sapagkat dalawa lang naman pamimilian ko, either matakot ako sa kanilang threat na sila ay magrerecant o di na magtetestify o kaya ay ipagpatuloy nila yang ginagawa nilang resurgence ng drugs,” ani Aguirre.

Tiniyak din ni Aguirre na may mga opisyal ng NBP na mapapatawan ng parusa sakaling balewalain ang kanyang kautusan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with