^

Bansa

Ulat nang panunuhol sa MMDA traffic enforcers sa Greenhills, binubusisi

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iimbestigahan ng Me­tropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang umano’y ginagawang panunuhol ng De La Salle Greenhills sa ilang enforcer para payagang mag-dropping off at mag-pick ng mga estudyante.

Ayon sa supervi­sing operations officer ng MMDA na si Bong Nebrija, iniimbestigahan na nila ang naturang akusasyon.

“Okay lang naman po na kung nauuhaw eh painumin ang aming mga enforcer, kung nagugutom pakainin, tulungan. Pero kasi po yung parang Oh!, ilan kayo dyan tapos ibibigay yung pera, I’m not comfortable with that set-up”, ani Nebrija.

Nabatid, na ilang enforcer umano ng MMDA ang tumatanggap ng suhol na halagang P50 kada araw bilang food allowance mula sa administration ng  De La Salle Greenhills.

Kung saan minamarkahan umano ng enforcer sa security guard post ng naturang paaralan ang kanilang attendance  na kukuha ng allowance.

Subalit, mariin namang pinabulaanan ng pamunuan ng De La Salle Greenhills ang naturang panunuhol.

Nagpapasalamat lamang aniya sila sa ilang enforcer ng MMDA dahil sa pagtulong at pag-alalay ng mga ito sa pagmamantina ng daloy ng trapiko sa naturang paaralan.

Sinabi naman ng tagapagsalita ng MMDA na si Celine Pialago, matagal na aniya silang nahihiwagaan na sa kabila ng kanilang mahigpit na kampanya kontra illegal parking at traffic obstruction ay patuloy ang paglabag ng mga motorista sa naturang area. Bukod dito,  sinabi pa ng MMDA kabilang sa kanilang konsentrasyon at target ngayon ay ang panghuhuli sa mga colorum na behikulo, tulad ng Grab at Uber.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with