^

Bansa

35 panukalang batas prayoridad ng Kongreso

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa 35 panukalang batas ang prayoridad at tutukan ng da­lawang kapulungan ng Kongreso ngayong se­cond regular session ng 17th Congress.

Ito ang napagkasunduan ng mga lider ng Kamara at Senado sa kanilang pagpupulong kahapon.

Nanguna sa prio­rity measures na ito ang Charter Change para mabago ang sistema o porma ng gobyerno at ang Bangsamoro Basic Law (BBL) na magsasalegal ng peace agreement ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF) bukod pa sa taunang top priority na maipasa agad ang pambansang pondo.

Kabilang din sa prayoridad ang Traffic and Congestion Crisis Act gayundin ang National ID system at End of Endo o Contractualization Act na target mapagtibay ng Senado at Kamara sa unang tatlong buwan ng second regular session.

Kasama rin ang Salary Standardization Law 4, ito ay sa kabila ng pahayag ni Pangulong Duterte na hindi siya magbibigay ng dagdag sahod.

Habang ang Anti-Terrorism Law o National Security Act ay target na maipasa din sa unang tatlong buwan ng second regular session at ang tax reform bill na balak ng Senado na mailusot sa unang quarter din bagamat nakapasa na ito sa Kamara.

Sa listahan din ng priority measures ang Philip­pine Mental Health Act at Enhanced Universal Healthcare Act at ang National Land Use Act.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with