^

Bansa

Panukalang bawas empleyado sa gobyerno lusot na sa Kamara

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang pagbabawas ng kawani sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno.

Sa ilalim ng House Bill 5797, pinaglalatag ang gobyerno ng Rightsi­zing program na sasakop sa lahat ng ahensiya ng ehe­kutibo kasama ang mga Departments, Commission, Boards, Councils  at mga Government Owned and Controlled Corporations (GOCC) na hindi sakop ng GOCC Governance Act.

Habang optional naman sa lehislatura at hudikatura ang magpatupad ng Rigthsizing Program pati sa mga Constitutional Commission, Office of the Ombudsman at mga lokal na pamahalaan.

Sinabi ni Davao City Rep. Karlo Alexie Nograles, pangunahing may akda ng panukala na napapanahon na ang Rightsizing sa gobyerno para maging tama lamang ang laki ng Burukrasya at epektibo ang serbisyo.

Itinatakda ng panukala ang pagbuo ng committee on rightsizing para isakatuparan ito sa pamumuno ng executive secretary.

Ang maapektuhang regular na empleyado ng gobyerno ay mabibigyan ng retirement benefits at separation incentives.

Magiging minimum na limang taong serbisyo sa gobyerno ang requirement para makapag-avail ang maapektuhang empleyado ng separation incentives sa ilalim ng panukala.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with