P10-M medical equipment, ibinigay sa AFP Hospital
MANILA, Philippines – Isang sibilyan ang nagmagandang loob na magbigay ng mamahaling medical equipment matapos banggitin ni Pangulong Duterte ang estado ng Armed Forces of the Philippines Medical Center sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address (SONA).
Sa Facebook post ni Tinton Deveza, sinabi niya na ibibigay niya bilang donasyon ang isang Hyberbaric Oxygen Chamber para sa pangangailangang medikal ng mga sundalo.
“Mr. President, I am hereby donating to AFP Medical Facility this state-of-the-art Hyperbaric Oxygen Chamber for the use of our soldiers who have been wounded in wars,” wika ni Deveza.
“Mr. President Duterte, kindly accept this humble donation. My family and I would be overjoyed when you accept it,” dagdag niya.
Makailang beses nang inihayag ni Duterte ang pagkadismaya sa pasilidad ng naturang ospital.
Ang nasabing oxygen chamber ay nagkakahalaga umano ng P10 milyon.
Sa gitna ng kaniyang SONA, tinalakay ni Duterte ang oxygen equipment kung saan pinapabilis nito ang natural na paggaling ng katawan sa pamamagitan ng pag-langhap ng 100% na hangin sa loob ng chamber.
- Latest