^

Bansa

Ni-rape ang pamangkin, tiyuhin arestado

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakakulong ngayon sa Pasay City Police detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8353 (Anti-Rape Law) ang isang lalaki matapos umano nitong tutukan ng patalim at gahasain ang kanyang pamangking dalaga kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Nakilala ang suspek na si Salustiano Abong Jr., 40, at ang biktima na itinago sa pangalang Roselyn, 18, kapwa taga- Decena St, Zone 1 ng nasabing lungsod.

Ayon sa dalaga, naganap ang insidente dakong ala-1:00 kahapon ng madaling araw nang nagising na lamang siya sa pagpasok ng kanyang tiyuhin sa loob ng kanyang kuwarto at tinutukan siya ng patalim.

Sa takot ay hindi na siya nakapalag hanggang sa naisagawa ang panghahalay sa kanya ng suspek.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos maisagawa ang naturang panghahalay ngunit nahuli rin agad ng pulisya sa ikinasang follow-up operation.

Mariin namang itinanggi ng suspek ang akusasyon ng pamangkin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with