^

Bansa

Patas na tax system isinusulong ng TRAIN

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang panukalang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act (HB 5636), ang ma­lawakang reporma sa sistema ng buwis sa Pilipinas, ay maituturing na “pinaka-‘egalitarian’ na batas na magsusulong ng tunay na pagkapantay-pantay ng mga Pilipino sa loob ng 70 taon, ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, isang kilalang ekonomista.  

Inaasahang magdadala ito ng mga P354 bilyong ‘monetary impact’ taun-taon sa bansa, na ang P170 bilyon ay tuwirang ma­lilipat sa karaniwan at mahihirap na pamilya mula sa mayayaman; babaguhin ang sistema ng buwis sa bansa; palalawakin lalo ang value added tax (VAT) base; tityakin ang mas malaking internal revenue allotments (IRA) sa mga LGU para itaas ang antas ng kanilang pangkaunlarang kakayahan; at reresolbahin ang malaking agwat ng mahihirap at mayayaman.

“Sa nakaraang 70 taon o mula nang pulungin ang First Congress ng Pilipinas noong 1945, wala tayong makikitang batas na kasing-egalitarian ng TRAIN na inaasahang magkakaroon ng napakalaking taunang ‘monetary impact’ sa bansa at maglalapit sa malayong agwat ng mahihirap at mayayaman,” giit ni Salceda. Pinagtibay ng Kamara ang TRAIN sa botong 246-9 at isang abstensyon noong nagdaang Mayo 31. Tatalakayin ito ng Senado sa muling pagbubukas ng sesyon ng Kongreso sa bandang huli nitong Hulyo, at inaasahang ipapasa ito ng Bicameral committee sa susunod na Set­yembre.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with