^

Bansa

Sundalo, pulis ‘in good faith’-Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

Sa ML extension sa Mindanao

MANILA, Philippines - Binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘in good faith’ ang mga sundalo at pulis sa kanilang pagpa­patupad ng Martial Law sa Min­danao lalo na sa Marawi City.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag kamakalawa ng gabi sa media interview matapos ang kanyang State of the Nation Address (SONA) nang matanong kaugnay sa sinasabing paglabag ng mga sundalo sa karapatang pantao ng mga taga-Marawi.

Sinabi ni Pangulong Duterte, ginagawa lamang ng mga sundalo at pulis ang kanilang mandato na aaresto, papatay ng mga rebelde at tapusin ang rebelyon.

Ayon kay Pangulong Duterte, kaakibat ng kanilang mandato ang pagkontrol sa mga sibilyan, pwersahang pagpapalabas o pagpapaalis sa kanila sa mga bahay at pagbabawal makapasok sa ilang lugar.

Batay din daw sa opinyon ni Justice Mendoza, sa pag-iral ng Martial Law, walang human rights abuses maliban na lamang kung rape o pagsasamantala sa mga kababaihan.

“Let me… This is not a lecture. But let me… something about Martial Law. The army, the military, the Armed Forces, and the Police are there in good faith. They are there to arrest, they are there to kill, they are to stop the rebellion, okay?,” paliwanag pa ni Pangulong Duterte

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with