4 drug suspects huli ng PDEA sa Visayas
MANILA, Philippines - Timbog ang apat na drug personalities na nahuli ng anti-narcotics operatives ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkahiwalay na operation sa Tagbilaran City at Lapu-Lapu City .
Kinilala ni PDEA Director General Isidro S. Lapeña ang mga suspek na si Philip Calalin, 35-anyos at PDEA watch-listed drug personalities, Michael Mosqueda, 46; Castro Garciano, 30; and Marwin Jun Apa, 26.
Nang mahuli si Calalin sa may Lamdagan Street, Tagbilaran City, Bohol ay nakuha dito ang 10 gramo ng shabu na may halagang P48,000.00, habang sina Mosqueda, Garciano, at Apa ay nakumpiskahan ng 3.04 grams ng shabu na may halagang P13,650.00.
Sasampahan na ng kaukulang kaso ang mga suspek kaugnay ng paglabag sa Drugs Law.
- Latest