^

Bansa

Mga ‘adik’ sa sugal sa QC pagmumultahin-VM Joy Belmonte

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isang panukala ang hinihintay na lamang na maaprubahan ng Quezon City Council na naglalayong patawan ng multa ang mga lulong sa sugal sa lungsod.

Ito’y ayon kay QC Vice Mayor Joy Belmonte na oras na maaprubahan ng QC council ang ordinansa na layuning pagbayarin ng kaukulang halaga ang mga ‘adik’ sa sugål na mahuhuling naglalaro sa loob ng establisyimento sa loob ng 24 oras.

Sinabi ni Belmonte na patuloy na nakasalang sa mga pagdinig ng QC Council ang panukala hinggil sa “Responsible Gambling Ordinance of 2017” na inaasahang sasawata sa pagka-adik sa pagsusugal ng isang indibidwal sa lungsod.

Sa ilalim ng draft ordinance, pagbabayarin ng P1,500 ang sinumang residente ng QC na mahuhuling nagsusugal sa isang establisyimento sa loob ng 24 oras o isang araw.

Kapag ang isang indibidwal naman ay may annual membership, ang babayaran ay P30,000.

Hindi naman apektado ng ordinansa ang mga residenteng hindi taga-QC. 

Ang QC ay may mahigit 60 gaming establishments karamihan ay e-gaming shops at off-track betting stations na nagpasok ng P11 milyong kita sa lokal na pamahalaan noong 2016.

Sinabi naman ni QC Councilor Ivy Lagman, isa sa umakda sa ordinansa na ang anumang pondo na makokolekta rito oras na maipatupad ay gagamitin sa kampanya ng QC government kontra sa mga lulong sa sugal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with