Mga raliyista hinarap ni Duterte
MANILA, Philippines - “I will deliver.”
Ito ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga maka-kaliwang grupo na nagsagawa ng kilos-protesta sa Batasan Pambansa.
Hinarap ni Pangulong Duterte ang mga mga leftist protesters pagkatapos ng kanyang State of the Nation Address (SONA).
“Give me more time. Listen to me first. Tanungin niyo muna ang kinatawan ninyo sa Gabinete kung ano ang ginagawa ng gobyerno para sa mahihirap,” dagdag pa ni Duterte.
Aniya, naririyan sina Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo, Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano, National Anti-Pioverty Commission Secretary Liza Masa at Labor Undersecretary Joel Maglungsod.
Idinagdag pa ni Duterte, kung gusto ninyong ituloy ang peace talks ay dapat “maging sinsero kayo sa pakikipag-usap. Sabihin niyo sa CPP-NPA-NDF.”
“Inaambush ninyo ako tapos gusto ninyo ng peace talks. Dapat magrespetuhan tayo,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.
- Latest