Kamara nadagdagan ng miyembro
MANILA, Philippines - Nadagdagan pa ang bilang ng mga kongresista sa Kamara. Ito ay matapos na manumpa kahapon kay House Speaker Pantaleon Alvarez sa pagbubukas ng 2nd regular session ng 17th Congress sina Francisco Datol Jr. at Milagros Aquino Magsaysay ng Coalition of Association of Senior Citizens bilang mga bagong meyembro ng Kamara. Kaya mula sa 291 kongresista ay umabot na ito sa 293 matapos na sumakabilang buhay si Mt. Province Rep. Maximo Dalog noong nakaraang buwan. Bukod kay Dalog, nauna na rin sumakabilang buhay sina Sulu Rep Tupay Loong at Basilan Rep. Jum Jainudin Akbar. Si dating Las Piñas Rep. Mark Villar naman ay itinalaga ni pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
- Latest