Desisyon ni Noynoy nirespeto ng Palasyo
MANILA, Philippines - Nirerespeto ng Malacañang ang desisyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III na huwag dumalo sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na nasa dating Pangulo naman talaga ang desisyon kung pauunlakan o hindi ang imbitasyon ng Malacañang.
Ayon pa kay Andanar, lahat naman ng naging Pangulo ay pinadalhan nila ng imbitasyon kabilang na sina dating Pangulong Fidel V. Ramos at Manila Mayor Joseph Estrada, gayundin sa ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.
Ito na ang ikalawang pagkakataong hindi dadalo si dating Pangulong Aquino sa SONA ni Pangulong Duterte.
- Latest