^

Bansa

Gobernador, et al ng Aklan absuwelto sa kasong katiwalian

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Gobernador, et al ng Aklan absuwelto sa kasong katiwalian

Five people were hurt, while a black Toyota Avanza was also affected of the incident. TV5/Gary De Leon

MANILA, Philippines - Pinawalang-sala ng Sandiganbayan ang mga opis­yal ng Panlalawigan ng Aklan mula kasong katiwalian.

Kinilala ang mga pinawalang-sala na sina Corazon Cabagnot, Provincial Governor; Liberato Ibaldit, Vice Governor; Even Timtiman, Treasurer;  Victory Fernandez, Engineer; Felicisimo Tanumtanum, Jr., Engineer IV; Reynaldo Dionisio, Project Engineer at contractor na si  Delia Legaspi may-ari ng Jireh Construction  and Supply.

 Ang mga ito ay kinasuhan ng Ombudsman ng  14  counts ng paglabag sa Sec. 3 ng RA 3079 matapos na pumasok sa kontrata ang Aklan Provincial sa Jireh Construction and Supply sa pagpapagawa ng Alibagon-Baybay Bridge, Phase III kung saan ang mga ito ay inakusahang nagsabwatan.

Na-dismis naman ang kaso laban kina Cabagnot, Timtiman at Ibaldit dahil pumanaw na ang mga ito habang nililitis ang kaso.

Lumitaw sa mahabang paglilitis na nabigo ang  pro­secution na nagkaroon ng sabwatan ang mga opisyal upang paboran ang nasabing kontraktor.

 Dahil dito, absuwelto sa naturang kaso sina Cabagnot at ang iba pang opisyal ng Aklan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with