^

Bansa

Rekonstruksyon ng PNR pa-Bicol sa 2018 na-DOTr

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Rekonstruksyon ng PNR pa-Bicol sa 2018 na-DOTr

In Manila, four alleged pushers were killed in separate police operations since Monday night. File

MANILA, Philippines - Nakatakda nang simulan sa taong 2018 ang rekonstruksyon ng Bicol Express ng Philippine National Railways (PNR) na siyang nagdudugtong sa Maynila at Bicol Region.

Nilinaw naman ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Cesar Chavez, rekonstruksyon at hindi rehabilitasyon ang gagawin nila sa Bicol Express.

Ayon kay Chavez, naglaan ang pamahalaan ng P150 bilyong pondo para sa naturang proyekto at P54 bilyon nito ay gagamitin sa land acquisition.

Inaasahang sa sandaling matapos ang proyekto ay makapagsasakay ito ng 11,000 pasahero araw-araw at makapagpapaikli rin ng biyahe mula sa Maynila hanggang Matnog, Sorsogon sa Bicol Region, ng hanggang limang oras na lamang. 

Ang Bicol Express ay kabilang sa 50 pangunahing economic projects ni Pangulong Rodrigo Duterte na target na makumpleto ng pamahalaan bago tuluyang matapos ang termino nito sa taong 2021. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with