^

Bansa

210 Nat’l at local bills naipasa ng Kongreso

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May kabuuang 210 national at local bills ang naipasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa 97 sessions sa First Regular Session ng 17th Congress.

Ito ay katumbas ng average ng dalawang panukala na naaaprubahan kada araw ng isang legislators.

Base sa record kung isasama ang bills na naaprubahan ng second reading at resolution adopted, ay umaabot sa 290 ang naaprubahang panukalang batas sa unang taon.

Nakasaad pa sa record na sa ilalim ng calendar of business, ang mga na-consolidate o substituted ga­yundin ang referral of solutions on inquiries, may naproseso ang Kamara ng kabuuang 1247 measures sa kabuuang 97 sessions day na equivalent sa 13 panukalang batas na naproseso kada araw.

Ang magandang output ng Kamara simula noong Hulyo ng nakaraang taon ay dahil sa magandang pamamahala sa ilalim ng liderato ni House Speaker Pantaleon Alvarez na nagbigay ng magandang halimbawa sa kanyang mga kasama kung paano gagampanan ang tungkulin.

Isang halimbawa na rito ay nabago na ang dating nakaugalian na tuwing Lunes hanggang Miyerkules lamang ang hearing ng House committee, subalit sa ilalim ng liderato ni Alvarez ay ginagawa na rin ang hearing sa mga araw ng Huwebes, Biyernes, at Sabado.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with