^

Bansa

Martial Law extension iaakyat sa SC

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Martial Law extension iaakyat sa SC

Sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman sa panayam na ngayong linggo ay ihahain nila ang petition sa Supreme Court (SC) kung saan kukuwestiyunin nila ang factual basis ng extension gayundin ang scope o coverage at ang haba ng Proclamation 261 ni Pangulong Duterte. File

MANILA, Philippines - Muling kukuwestiyunin sa Korte Suprema ni Albay Rep. Edcel Lagman ang inaprubahang extension ng Martial Law sa Min­danao hanggang Dis­yembre 31.

Sinabi ni Lagman sa panayam na ngayong linggo ay ihahain nila ang petition sa Supreme Court (SC) kung saan kukuwestiyunin nila ang factual basis ng extension gayundin ang scope o coverage at ang haba ng Proclamation 261 ni Pangulong Duterte.

Paliwanag pa ng kongresista na miyembro ng Magnificent 7 sa Kamara, na hindi tama na ang buong Mindanao ay isasama sa extension ng ML dahil kung mayroon man rebel­yon ay hindi dapat idamay ang buong rehiyon.

Bukod dito masyado rin umanong mahaba ang implementasyon ng ML ng 150 days gayung ang nakasaad lang sa Saligang Batas ay dapat 60-days lang.

Inaasahan naman ni Davao City Rep. Karlos Nograles ang hakbang ni Lagman dahil ginagampanan lamang niya ang kanyang tungkulin at ang role bilang independent bloc dahil nauna na rin niya itong ginawa ng magdeklara ng ML ang Pangulo noong Hunyo 23.

Subalit ang ilang argumento umano ni Lagman ay naresolba na at sinang-ayunan na rin ng SC na mayroong rebelyon at hindi terorismo dahil ang layunin ng Maute group ay magkaroon ng separate state at sa ibang parte ng Mindanao.

Kumpiyansa naman si Nograles na sa kabila ng petition ni Lagman ay aayunan pa rin ng SC ang Kongreso sa pagpapalawig ng ML sa Mindanao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with