^

Bansa

2nd SONA ni Digong ‘realistic but hopeful’

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
2nd SONA ni Digong �realistic but hopeful�

All set na ang plenary hall ng Kongreso para sa ikalawang SONA ni Pangulong Duterte ngayong hapon. (Michael Varcas)

MANILA, Philippines - Nakatakdang ihayag mamayang hapon ni Pa­ngulong Duterte ang kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA).

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, na ang 2nd SONA ni Pangulong Duterte ay ‘realistic, but hopeful’.

“The President’s State of the Nation Address will be rendered in broad strokes reviewing past achievements, stating the present situation and announcing future prospects,” sabi ni Abella.

“On the whole it will be frank, challenging, realistic but hopeful.”

Posibleng tumagal ng 45-minuto ang 15 pages na speech ni Pangulong Duterte.

“The speech is written in English, which the President is comfortable with, and if read straight should take approximately 50 minutes; given there will be pauses for applause and off-the-cuff remarks, the speech may take about an hour and 30 minutes,” sabi ni Abella.

Iuulat sa bayan ni Pa­ngulong Duterte ang kanyang mga nagawa sa loob ng isang taon at ihahayag din niya ang mga plano pa niyang gawin para sa bansa sa hinaharap.

Samantala, mas mahigpit na seguridad ang sasalubong ngayon sa mga militante na magsasagawa ng kilos protesta ngayong SONA ni Pangulong Duterte sa Batasan Complex, Quezon City.

Sinabi ni National Capital Regional Police Office chief, Police Director Oscar Albayalde na ito ay makaraan ang sunud-sunod na pag-atake ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa tropa ng pamahalaan at maging ang nagaganap na digmaan sa Marawi City.

Kinausap na ng NCRPO ang mga lider ng mga militanteng grupo na bantayan ang kanilang hanay at huwag gagawa ng aksyon na makakasira sa seguridad dahil sa posibilidad na malusutan sila ng mga rebelde na magpapanggap na mga aktibista.

Tiniyak din ni Albayalde na kanilang aarestuhin ang sinumang mga ralista na lalabag sa batas.

Sinabi ni Albayalde na may mga mobile jails silang idedeploy para dito ikukulong ang sinumang lalabag sa batas.

Aniya, ang mga mi­yembro ng PNP-Crowd Dispersal Management (CDM) team ay hindi armado, pero may mga police personnel din naka-­standby sakaling may manggugulo.

Aminado si Albayalde na posibleng magiging mainit sa rally ang militanteng grupo kasunod ng pagkansela ni Pangulong Duterte sa back channel talks sa CPP-NPA-NDF.

Binigyang-diin ng he­neral na mahigpit nilang ipapatupad ang maximum tolerance laban sa mga ralista.

Higit 6,300 pulis ang kanilang idedeploy, partikular ang mga miyembro ng CDM na siyang magbabantay sa mga magra-rali.

Tinatayang nasa 12,000 hanggang 15,000 protesters ang magtitipon-tipon ngayon. (Dagdag ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with