^

Bansa

Livelihood assistance ng OWWA sa OFWs dinagdagan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Livelihood assistance ng OWWA sa OFWs dinagdagan

MANILA, Philippines -  Inihayag ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na itinaas na nila ang halaga ng tulong pangkabuhayan na ibinibigay nito para sa mga napauwing overseas Filipino workers (OFWs).

Ito ang nabatid mula kay Labor Secretary Silvestre Bello III kung saan sinabi nito na inaprubahan na ng OWWA board na itaas mula sa P10,000 hanggang P20,000 ang mas pinalawak na livelihood assistance o mas kilala bilang “Balik Pinas, Balik Hanapbuhay” na programa para sa mga OFW na napauwi sa bansa.

Sa ilalim ng progra­ma, ang mga benepis­yaryo ay binibigyan ng pagkakataon na sana­yin ang kanilang mga kakayahan sa tulong ng TESDA, ng Department of Trade and Industry at iba pang ahensya.

Nabatid naman kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, ma­liban sa cash assistance, nakikipag-ugnayan din ang OWWA sa mga benepisyaryo sa DTI at Department of Agriculture (DA) upang malinang ang kanilang kasanayan sa marketing at mga istratehiya upang mapangalagaan at mapalago pa ang naibigay sa kanilang tulong pangkabuhayan.

 Ang mga kuwalipikadong OFW na mayroong katanungan hinggil sa programa ay hinihikayat na mag-log-on sa OWWA website sa www.owwa.gov.ph, o tumawag sa 8917601 hanggang 24, local 5217; o sa OWWA OPCEN sa pamamagitan ng telephone numbers 833-6992 o sa mobile number/SMS 09175908654.  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with