^

Bansa

Pinoy nagsasabing mahirap sila, bumaba

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Bumaba ngayon ang bilang ng mga Pilipinong nagsasabing sila ay mahirap.

Ito ay makaraang lu­mabas sa latest survey ng Social Weather Station (SWS) na umaabot sa 10.1 milyon ng mga pamilya ang nagsabing mahirap sila ngayon, na nagpapakita na mas mababa ng 6 porsyen­­­to    o 11.5 milyong pa­mil-yang nagsabing mahi-rap sila noong buwan ng Marso.

Ang bagong survey ay ginawa mula June 23 hanggang June 26 ng taong ito sa mahigit 1,000 respondents mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ayon pa sa survey, bumaba naman ng 6 porsyento o umabot naman sa 34 porsyento ang self-rated poverty sa Luzon, tumaas naman ng 7 puntos ang self-rated poverty sa Visayas na umaabot ngayon sa 64 porsyento. Tumaas naman ng 4 puntos ang self-rated poverty sa Mindanao o umabot ngayon sa 57 porsyento.

Noong Hunyo 2016, nasa 45 porsyento ang self-rated poverty, na-ging 42 porsyento noong   Setyembre 2016 at naging 44 porsyento noong Disyembre 2016.

Sa survey, sinabing kailangang magkaroon ng P10,000 na budget   ang bawat pamilya para hindi makunside­rang mahirap at may nagsasabi rin na kaila-ngan nila ng dagdag na P5,000 para makuha ang monthly threshold.

May 32 porsyento naman ng natanong sa survey ang nagsabi na makukunsidera nilang mahirap ang uri ng kanilang pagkain.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with