^

Bansa

Free baggage allowance sa mga sundalo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Free baggage allowance sa mga sundalo

Ikinagalak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ipinakitang malasakit ng Air Asia na nagkakaloob ng free baggage allowance nang hanggang 40 kilo kabilang ang mga libreng meals at merienda sa loob ng eroplano para sa ma sun­dalong nasa peace keeping mission sa buong bansa. AP/Bullit Marquez, File

MANILA, Philippines -  Ikinagalak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ipinakitang malasakit ng Air Asia na nagkakaloob ng free baggage allowance nang hanggang 40 kilo kabilang ang mga libreng meals at merienda sa loob ng eroplano para sa ma sun­dalong nasa peace keeping mission sa buong bansa.

Nabatid na ang ma­gandang hakbanging ito ng Air Asia ay nag-viral sa social networking site sa Facebook na ipinoste ng isang Inday Rakel  kung paano tinulungan ng mga pasahero ang tatlong sundalo na patungong Marawi at Cotabato sa sobrang bagahe ng mga ito.

Ang tatlong sundalo na nag-commercial flight ay may mga dalang mabibigat na bagahe na sobra sa itinakdang bigat sa kilo ng mga bagahe para sa mga pasahero.

“The happy incident at the airport pertaining to three of our soldiers who had excess baggage and were helped by our civilian kababayans “bayanihan” style was very inspiring and heartening. We truly appreciate their assistance and the overwhelming support we are getting from the public,” pahayag ni AFP spokesman B/Gen. Restituto Padilla Jr.

Ayon kay Padilla, ang mabilis na pag-aaksyon ng Air Asia sa bago nitong polisiya ay pagpapakita ng malasakit sa mga sun­dalong nagsasakripisyo para umiral ang kapa­yapaan sa bayan.

Sinabi ni Padilla na maaring wala ng biyahe ang mga C130 patungong Cotabato kaya napilitan ang mga sundalo na sumakay sa commercial plane.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with