Seguridad sa SONA dinagdagan
MANILA, Philippines - Dinagdagan pa ang pwersa na magbabantay sa loob ng Batasan Complex para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte sa Lunes, Hulyo 24.
Ayon kay House Deputy Secretary General Artemio Adaza, aabutin ng 1,000 ang security personnel na itatalaga sa loob pa lamang ng Batasan complex.
Bukod pa ito sa 6,000 pulis na ikakalat naman sa labas ng Batasan at haharap sa mga magpo-protesta sa Lunes.
Ang security sa loob ng Batasan complex ay binubuo ng Presidential Security Group (PSG), Blue Guards, Legislative Security Bureau (LSB) at Special Forces ng Public Safety Office ng PNP.
Kamakalawa ay dalawang bus na ng PSG ang nagtungo sa Kamara at umpisa kahapon ay kontrolado na nila ang security sa buong Batasan.
Mahigpit din ipapatupad ang “no invitation, no entry at no car pass, no entry” sa SONA.
May 1,500 guests ang pinadalhan ng imbitasyon sa SONA at marami pa ang gustong dumalo subalit tinanggihan na dahil hindi na sila kayang i-accomodate sa plenaryo.
- Latest