^

Bansa

Police Col., 5 tauhan patay sa NPA ambush!

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
 Police Col., 5 tauhan patay sa NPA ambush!

Patay ang isang police colonel, lima nitong tauhan at isang sibilyan habang tatlo pa ang malubhang nasugatan matapos tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Sitio Mandi-e, Brgy. Magsaysay, Guihulngan City, Negros Oriental kahapon. File

MANILA, Philippines -  Patay ang isang police colonel, lima nitong tauhan at isang sibilyan habang tatlo pa ang malubhang nasugatan matapos tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Sitio Mandi-e, Brgy. Magsaysay, Guihulngan City, Negros Oriental kahapon. 

Kinilala ang nasa­wing opisyal na si Supt. Arnel Arpon, hepe ng Guihul­ngan City ng nasabing lalawigan.

Patay din ang lima nitong tauhan, dalawa rito ay tinukoy sa mga apel­yidong SPO4 Tadillon at PO3 Bolandres sa inisyal na ulat.

Ang isa pang nasawi ay ang driver ni Provincial Board member Edison dela Rita na si Michael Jambalos.

Samantala tatlo pang pulis ang nasugatan at isa ang iniulat na nawawala.

Sa report, sinabi ni Col. Eliezer Losañes, Commander ng Army’s 303rd Infantry Brigade (IB), bandang alas-10 ng umaga nitong Biyernes nang mangyari ang ambush sa highway ng Brgy. Magsaysay ng lungsod.

Ayon kay Losañes, nagresponde ang nasabing hepe at mga tauhan nito sa lugar matapos tawagan ni Provincial Board member Edison dela Rita ng Guihulngan City hinggil sa umano’y pananambang sa kanila ng kaniyang driver habang patungong Brgy. Poblacion.

Gayunman, pagsapit sa lugar ay tinambangan ng mga nakaposisyong rebelde ang mga pulis na pinangungunahan mismo ng kanilang hepe.

Nag-reinforce naman ang tropa ng militar pero hindi na inabutan ang mga rebelde.

Nakaligtas naman si dela Rita matapos maka­baba ng sasakyan at ma­kapagtago hanggang sa dumating ang reinforcement troops.

Nagsasagawa na nga­yon ng hot pursuit operations ang militar laban sa mga rebelde.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with