^

Bansa

NPA sunod na gigiyerahin! - Duterte

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
NPA sunod na gigiyerahin! - Duterte

Sarado na si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpatuloy pa ang peace talks sa rebeldeng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). PPD/Karl Norman Alonzo, File

MANILA, Philippines -  Sarado na si Pangulong Duterte na ipagpatuloy pa ang peace talks sa rebeldeng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Sinabi ng Pangulo sa mga sundalo ng 103rd Brigade ng Philippine Army ng magtungo ito kama­kalawa sa Marawi City, na sa sandaling matapos ang pakikipaglaban sa Maute-ISIS group ay isusunod na niyang giyerahin ang NPA.

Wika ng Pangulo, marami ng pulis at sundalo ang pinatay ng NPA kaya sila na ang isusunod na operasyon ng AFP.

“Huwag kayo masyado magkumpiyansa dyan, kasi there is a strong resurgence. Nabubuhay na naman ang npa. pagkatapos nito, letse itong putukan na ito, kapag naubos ang mga ulol, mag-re-orient tayo, NPA na naman kasi marami silang utang sa atin. ayaw ko na makipag-usap sa kanila. Marami na akong sundalo na pinatay nila, marami na akong pulis na pinatay nila,” sabi pa ni Duterte.

Noong isang araw, limang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ang nasugatan nang makaengkwentro ang nag-checkpoint na miyembro ng NPA sa Arakan, Cotabato.

Bukod dito, may sundalo ring pinatay habang namamalengke sa Palawan.

Naunang sinuspinde ng Office of Presidential Adviser on Peace Process (OPAPP) ang informal talks ng government panel sa NDF panel.

Nais naman ng Office of the Solicitor General na hilingin sa Korte na kanselahin na rin ang piyansa ng mga nakakalayang NDF consultants kasunod ng suspension ng peace talks.

Magugunita na nakatuntong na rin sa wakas si Pangulong Duterte sa Marawi City matapos ang dalawang beses na pag­kabigong mapasok ang nasabing lungsod dahil sa masamang panahon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with