^

Bansa

Bam sa earthquake drill: Marami pang dapat gawin

Pilipino Star Ngayon
Bam sa earthquake drill: Marami pang dapat gawin

MANILA, Philippines – Pinuri ni Sen. Bam Aquino ang pagsisikap ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na magsagawa ng pambansang earthquake drill upang matiyak ang kahandaan ng mga Pilipino kapag tumama ang malakas na lindol.

Subalit binigyang diin ng senador na marami pang pagkilos ang dapat gawin upang matiyak na matibay ang iba’t ibang istruktura para maiwasan ang pagbuwis ng maraming buhay kapag tumama ang tinatawag na “Big One” sa Metro Manila at iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Earthquake drills help the community prepare for quakes but there is more we must do to reduce the loss of life. Dapat rin nating tingnan kung matibay at ligtas ba ang mga istruktura sa bansa,” wika ni Aquino, chairman ng Committee on Science and Technology.

 Sa resolusyon ng senador, nagsagawa ang SciTech Committee ng pagdinig upang matiyak na ang mga impormasyong nakukuha ng PHIVOLCS ay epektibong naipakakalat upang mapawi ang pangamba at malabanan ang pagkalat ng pekeng impormasyon sa internet.

 Sa pagdinig, natalakay ang iba’t ibang isyu, kabilang ang pagsilip sa katatagan ng mga istruktura laban sa malakas na lindol at ang pagsisikip ng Metro Manila, na maaaring maging mauwi sa mas maraming bilang ng mamamatay kapag hindi natugunan.

Binanggit naman ni PHIVOLCS Director Renato Solidum na kung sa Metro Manila tumama ang magnitude 6.7 na lindol na pumatay ng siyam katao sa Surigao del Norte noong Pebrero, tinatayang nasa 23,000 katao ang patay.

Iginiit ni Aquino na maiiwasan ito kung susunod lamanng ang mga istruktura at mga bahay sa itinatakda ng Building Code. Aniya, kakayanin ng mga istruktura ang lindol na may lakas na magnitude 8 hanggang 9.

Isinusulong ng senador ang regular na pagsilip sa tibay ng mga istruktura, lalo na ang mga bahay, upang matiyak na mananatili itong nakatayo kahit tumama pa ang malakas na lindol.

Nanawagan din si Aquino sa mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan at local government units na tiyaking matibay laban sa lindol ang mga gusali, bahay at iba pang istruktura.

 Hiniling din niya sa Kongreso na magsagawa ng regular na pag-aaral sa Republic Act 10121 o ang Act Strengthening the Philippine Disaster Risk Reduction and Management System upang ito’y maging akma sa kasalukuyang panahon.

 “We've already had 163 earthquakes this year. Buhay ang nakasalalay," giit niya.

"Kailangan nang tiyakin ang kaligtasan ng mga istruktura sa ating bansa upang maiwasan ang malawakang pinsala at kawalan ng buhay,” dagdag ng senador.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with