^

Bansa

Edukasyon sa Marawi, pasisiglahin ulit ng DepEd

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Umapela ng tulong sa publiko

MANILA, Philippines - Nais ng Department of Education (DepEd) na mapasiglang muli ang edukasyon sa Marawi City sa sandaling matapos na ang bakbakan doon.

Kaugnay nito, nga­yon pa lang ay umaapela na ang DepEd ng tulong at donasyon mula sa publiko, bilang paghahanda sa muling pagbabalik eskwela ng mga estud­yante doon.

Ayon sa DepEd, na­ngangailangan sila ng construction materials para maitayong muli ang mga nawasak na paaralan sa Marawi City

Sa ngayon ay may pito na umanong paaralan sa Marawi ang natukoy ng departamento na napinsala sa bakbakan, ngunit hindi pa nila na-assess ang kalagayan ng lahat ng 69 na paaralan doon.

Nangangailangan din umano sila ng donasyong school supplies at hygiene kits para sa mga estudyante ng Marawi.

Ang mga interesado umanong mag-donate at mag-volunteer ay maaa­ring makipag-uganayan kay Rolly Soriano ng DepEd sa numerong (02) 636 7523 o di kaya’y sa email add na rolly.soria­[email protected].

Maaari rin umanong ipadala ang kanilang donasyon sa Iligan City National High School o di kaya’y sa DepEd Central at Regional Offices.

Hanggang nitong Hunyo 27, may 15,115 displaced students na ang natukoy ng DepEd na nag-transfer na sa 93 lungsod at munisipalidad sa buong bansa, habang nasa 7,028 estudyante ang nasa evacuation centers pa.

Nagtayo na rin naman umano ang DepEd ng temporary learning spaces para sa mga estudyante sa evacuation centers na hindi pa makapasok sa mga paaralan dahil sa kaguluhan. 

Una nang itinakda ng DepEd ang pagbubukas ng klase sa Marawi City at ilang bahagi ng Lanao del Sur noong Hunyo 19 ngunit dahil patuloy pa rin ang kaguluhan sa lugar ay muli itong ipinagpaliban.

Wala pa namang petsang ibinibigay ang Dep­Ed kung kailan muling magbubukas ang klase sa Marawi City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with