P150M bagong voter’s ID kinontra
MANILA, Philippines - Kinontra kahapon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang plano ng Commission on Elections na mag-imprenta ng bagong voter’s ID.
Ayon kay Drilon, hindi siya pabor sa nasabing plano dahil isa lamang itong pag-aaksaya ng oras at pondo.
Sa halip, dapat aniyang isulong na lamang ang pagkakaroon ng isang unified national ID system sa lahat ng mga mamamayan na magagamit sa mga basic services sa gobyerno.
“I am against it. It’s a waste of time, energy and money. Instead, I support the passage of a single and unified national ID system, which will be issued to all Filipino citizens for swift and accurate identification of individuals seeking basic services from the government,” ani Drilon.
Ipinaalala pa ni Drilon na ang nasabing panukala ay kasama sa priority legislation ng executive at Kongreso at dapat itong madaliin.
“It is on the list of priority legislation by the executive and Congress. I urge the leadership of Congress to work on it immediately,” ani Drilon.
Para naman kay Senate President Koko Pimentel, dapat ay maayos ang bagong ID na gustong ipatupad ng Comelec.
Maari rin aniyang magsilbi itong modelo o batayan sa planong national ID system.
- Latest