^

Bansa

5,176 OFW runaways sa Saudi, na-repatriate

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 5,176 Overseas Filipino Wor­kers na iligal na nanatili at nagtrabaho sa Saudi Arabia matapos na mabiktima ng pang-aabuso, pagmamaltrato at tumakas sa kanilang mga amo ang nakauwi na sa Pilipinas.

Ayon sa DFA, nakumpleto na ang repatriation o pagpapauwi sa may 5,176 Pinoy mula Saudi simula nang ipatupad ang amnesty program ng Saudi government nitong Marso 29. Nagtapos ang pagbibigay ng Saudi ng 90-araw na amnestiya para sa mga dayuhang iligal na nananatili sa kingdom kabilang na ang mga Pinoy nitong Hunyo 25.

Sinabi ng DFA na nagpadala sila ng dalawang Rapid Response Teams (RRT) sa Riyadh at Jeddah/Al Khobar upang magbigay ng consular services sa mga minal­tratong OFWs upang mai-rehistro at ma-isyuhan sila ng travel documents para sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas.  Ang dalawang team ay nakipag-koordinasyon sa Saudi immigration officials at sa airlines upang matiyak na magi­ging maayos ang prose­so ng repatriation ng mga distressed OFWs.

Matapos ang deadline ang amnesty program nitong Hunyo 25, wala pang inaanunsyo ang Saudi government kung may plano silang palawigin ang nasabing amnesty.

Sa kabila nito, ang Phl foreign service Posts sa Riyadh at Jeddah ay nag-endorso na para naman sa mga nagparehistro pang Pinoy sa Saudi Immigration para sa pagpoproseso ng kanilang exit visas bago ang nasa­bing deadline ng amnesty program.

Nabatid na tinatayang 12,000 Pinoy ang nag­rehistro sa nasabing programa ng Saudi.

Kaugnay nito, para sa mga Pinoy na naghihintay ng kanilang exit visas dahil sa mga pagkaka-utang, inaabisuhan sila ng DFA na ayusin muna nila ang kanilang mga obligasyon at bayaran ang kanilang mga utang upang maproseso ang kanilang exit documents. all debts to facilitate the processing of their exit documents.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with