^

Bansa

Mayor Olivarez, 10 konsehal kinasuhan ng plunder sa Ombudsman

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahilan sa pagbibigay umano ng pabor sa isang negosyante, sinampahan ng kasong plunder at graft sa Office of the Ombudsman si Parañaque Mayor Edwin Olivarez.

Bukod kay Olivarez sinampahan din ng kaso ni Jonathan Bernardo ang mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod na sina Rufino Allanigue,John Ryan Yllana, Merlie Antipuesto, Vincent Kenneth Favis,Florencia Amurao,Brillante Inciong,Roselle Nava-Tan,Joan Villafuerte,Marites de Asis at Jacqueline Bustamante-Mendoza at ang City Legal Officer na si Rommel Frias at City Treasurer na si Anthony Pulmano.

Sa reklamo ni Bernardo, mahigit P500 milyon ang nawala sa kaban ng lungsod ng Parañaque nang pumasok sa compromise agreement ang lungsod sa Wenceslao and Associates para isettle ang hindi nababayarang buwis sa lungsod para sa lupain na nasa Entertainment City.

Giit ni Bernardo, pinaboran ni Olivarez at ng konseho ang Wenceslao dahil ang may-ari nito na si Dennis Wenceslao ay campaign contributor ng alkalde noong nakaraang halalan.

Kaya ibinaba na lamang umano sa P6,000 ang buwis para sa bawat square meter ng lupain ng Wenceslao sa Entertainment City samantalang P12,000 per square meter mahigit ang totoong rate nito.

Paliwanag pa niya na sa lahat umano ng may lupain sa Parañaque ay tanging ang Wencelao lang ang binigyan ng ganitong pabor.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with