^

Bansa

Calamity fund pinapagamit sa Marawi rehab

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kasabay ng pagsuporta sa plano ni Pangulong Duterte na maibangon kaagad ang Marawi City, sinabi kahapon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na maa­ring magamit ang bahagi ng P15.7 bilyong national reduction and management fund sa rehabilitasyon ng lungsod.

Ayon kay Drilon, makakatulong ang nasabing pondo para sa relief at pangmatagalang rehabilitasyon ng Marawi na napulbos ang maraming bahagi dahil sa kaguluhang dulot ng Maute group.

Sinabi pa ni Drilon na maaring magamit ng Pangulo ang kanyang kapangyarihan na mag-realign ng pondo mula sa savings ng gobyerno base na rin sa desisyon ng Supreme Court.

Iginiit din ni Drilon na maaring magpasa ang Kongreso ng isang supplemental budget na nagpapahintulot sa paglilipat ng pondo para madagdagan ang calamity at contingent funds at maari rin aniyang gamitin ang intelligence funds na nagkakahalaga ng P5.485 bilyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with