^

Bansa

Muling imbestigasyon ng DAP, PDAF sinuportahan sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Suportado nina Senators Sherwin Gatchalian at Francis Escudero ang balak ng Department of Justice (DOJ) na muling buksan ang imbestigasyon sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) na mas kilala sa tawag na pork barrel funds at Disbursement Acceleration Program (DAP) funds.

“I support the move of the Department of Justice to re-investigate the PDAF and DAP scandals. After all of these years, the terms ‘PDAF’ and ‘DAP’ are still synonymous with corruption and abuse of power,” pahayag ni Gatchalian.

Hanggang ngayon aniya ay hinihingi ng mga mamamayan na mapanagot ang mga responsable sa mga scam kung saan ginamit ang mga nasabing pondo na mistulang binalewala umano ng nakaraang administrasyon.

Ngayon na aniya ang pagkakataon para patunayan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa kanyang mga kritiko na kaya niyang magbigay ng hustisya. 

Sinabi naman ni Escudero na dapat ituloy ang imbestigasyon dahil hindi pa alam kung saan na napunta ang pondo ng pork barrel scam na aabot sa kabuuang P12 bilyon hangang P13 bilyon.

Ang tanging na-account pa lamang umano sa nasabing pondo ay ang mga napunta sa non-government oganizations ni Janet Lim Napoles na nasa P6 bilyon.

Naniniwala si Escudero na dapat matukoy kung sino pa ang ibang nakinabang sa nasabing bil­yon-bilyong pondo.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with