^

Bansa

Bongbong matutulad daw kay de Lima

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bongbong matutulad daw kay de Lima

Sinabi ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability, pinag-aaralan na nila ang paghahain ng kaso laban sa dating senador. Bongbong Marcos/Released, File

MANILA, Philippines - Posible umanong ma­tulad si dating Senador Bongbong Marcos kay Sen. Leila de Lima matapos payuhan ang kapatid na si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na huwag dumalo sa pagdinig sa Kamara sa Hulyo 25 kaugnay sa umano’y maano­malyang paggamit ng P66.4 milyon na Tobacco funds.

Sinabi ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability, pinag-aaralan na nila ang paghahain ng kaso laban sa dating senador.

Paliwanag ni Pimentel, kokunsultahin niya ang mga miyembro ng komite tungkol sa kasong  posibleng ihain laban kay Bongbong bago tuluyang magdesisyon.

Malakas anya ang kanilang ebidensya dahil bukod sa lumabas na ito sa social media sa iba’t ibang news organization ay mismong sa gobernadora nagmula ang impormasyon na pinayuhan siya ng kapatid.

Ayon pa kay Pimentel, kahalintulad lamang ito ng nangyari noon kay Ronnie Dayan na pinayuhan siya ni de Lima na huwag dumalo sa hearing ng Kamara sa pamamagitan ng text message na ipinadala sa anak niya.

Kinasuhan ng Department of Justice (DOJ) si de Lima ng disobedience to summons sa Quezon City Metropolitan Trial Court batay sa complaint nina House Speaker Pantaleon Alvarez at Justice Committee Chair Reynaldo Umali. 

Muli namang umapela si Pimentel kay Imee Marcos na dumalo na sa pagdinig at ilahad ang katotohanan upang patunayan ang pagiging ­inosente niya sa sinasabing maanomalyang pagbili ng mga mini-trucks at bus para sa lalawigan gamit ang pondo na P66 million mula sa tobacco excise tax.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with