^

Bansa

2 araw na coding ‘anti-poor’ - solon

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 araw na coding �anti-poor� - solon

Ayon kay Eastern Samar Rep. Ben Evardone, papabor lamang ang panukala ni Lim sa mga mayayaman dahil maaari silang bumili ng mga bagong sasakyan na lalo lamang magpapalala ng daloy ng trapiko sa Kamaynilaan. File

MANILA, Philippines - Tinawag ng isang kongresista na “anti-poor” ang panukala ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim na dalawang araw na number coding sa Metro Manila. 

Ayon kay Eastern Samar Rep. Ben Evardone, papabor lamang ang panukala ni Lim sa mga mayayaman dahil maaari silang bumili ng mga bagong sasakyan na lalo lamang magpapalala ng daloy ng trapiko sa Kamaynilaan.

Habang ang mga wala umanong kakayahan na bumili ng bagong sasakyan ay magdurusa at hindi magi­ging produktibo dahil sa palpak na mass transport system. 

Kaya suhestyon ng mambabatas, sa halip na magkaroon ng dalawang araw na number coding ay gumawa na lang ng short term measure para mapaluwag ang daloy ng trapiko. 

Tulad umano ng paglilinis ng sidewalks at mga obstruction na humaharang sa trapiko bukod pa dito, kailangan na rin disiplinahin ang mga driver at commuters at ang mahigpit na pagpapatupad ng traffic laws and regulations.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with