^

Bansa

Dayuhang snipers ng Maute nagkalat pa sa Marawi

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Dayuhang snipers ng Maute nagkalat pa sa Marawi

“We do believe that there are still a number of them,” pahayag ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla nang matanong kung ilan pa ang mga dayuhang snipers ng Maute terrorists ang namonitor ng militar sa Marawi. AP/Bullit Marquez, File

MANILA, Philippines - Nagkalat pa rin ang mga dayuhang teroristang snipers ng Maute-ISIS sa lungsod ng Marawi kaya matindi pa rin ang bakbakan na mahigit isang buwan na.

“We do believe that there are still a number of them,” pahayag ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla nang matanong kung ilan pa ang mga dayuhang snipers ng Maute terrorists ang namonitor ng militar sa Marawi.

Ayon kay Padilla, kabilang sa mga dayuhang jiha­dists na nakikipagbakbakan sa tropa ng militar ay mula sa Yemen, Chechnya at iba pa.

“We don’t have any documents to prove or use as basis for the existence of these foreigners except information that have been coming in from various sources,” ayon pa sa opisyal.

Una nang sinabi ni AFP Western Mindanao Command Lt. Gen. Carlito Galvez na nasa 80 snipers ng Maute kabilang ang ilang mga dayuhan ang napatay sa bakbakan.

Ilan sa napatay na mga dayuhang jihadists ay mula sa Indonesia at Malaysia, at kamakailan lamang ay nakarekober ng dalawang snipers na mga Arab looking sa battle zone.

Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 150 pang terorista ang nakakabakbakan ng tropa ng militar sa apat na lamang mula sa kabuuang 96 barangay sa lungsod.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with