^

Bansa

Duterte papasok sa ‘war zone’

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Duterte papasok sa �war zone�

Sinisipat ni Pangulong Duterte ang isang sniper rifle na ibinigay ng China bilang bahagi ng kanilang urgent military assistance sa Pilipinas, sa turnover kahapon sa Clark Airbase sa Pampanga. Krizjohn Rosales

MANILA, Philippines - Plano ni Pangulong Duterte na personal na magtungo sa war zone sa Marawi City sa darating na Biyernes.

“That’s why I said, I grieve. Gusto kong pumunta ng Marawi, I think I’ll go there on Friday. It’s about too late and the date to be hesitating to go there. I will go there and … eh di kung walang suwerte, eh di mauwi ako dito kargo rin, C130. Tutal may Bise Presidente naman, ano ba naman ang problema natin,” wika ng Pangulo sa ika-120 taong anibersaryo ng Presidential Security Group (PSG) kahapon.

“Iyong mga disgrasya na iyan, hindi na sinasadya. Do not hesitate to engage just because there are civi­lians. It is the duty of the civilians to flee or seek cover. Kapag giyera, giyera talaga iyan; either it hits you,” dagdag pa ng Pangulo.

Hindi umano maatim ng Pangulo na nakaupo lamang siya sa kanyang opisina habang nakikipagpatayan ang kanyang mga sundalo sa Maute.

Aniya, nais niyang damayan ang mga sundalo sa pamamagitan ng pagbisita sa mga ito na isang paraan din aniya upang mapataas ang kanilang moral sa gitna ng ginagawang pakikipaglaban sa mga terorista.

Ikinalungkot ng Pangulo ang mga nakukuha niyang update sa tuwing iuulat sa kanya na nalagasan na naman ang mga sundalo at marami ang nasusugatan.

Hindi din naitago ng Pangulo ang pagkainis ng malaman niyang hindi pa rin nabibili ang mga ­modernong medical equipment para sa V. Luna Medical Center ilang buwan na ang nakakaraan matapos niyang iutos ito.

“Pumunta ako ng AFP. Nagtaka ako, walang MRI, walang --- merong CT scan na luma. Right there and then because Diokno was beside me, ‘yung Budget Secretary, so I said, “Meron ba tayong pera? I gave 500 --- 500 million rather that night. At saka lahat ng kampo, binisita ko --- generator, CT scan --- ibinigay ko na agad, 30 million sa Cagayan --- CT scan. Would you believe it hanggang ngayon hindi pa nabili? Kaya you prepare a backstop there. Linyahin natin ‘yan sila diyan, i-firing squad natin. P***** i**,” dagdag pa ng Pangulo sa sobrang pagkainis.

Inatasan ni Pangulong Duterte si Health Sec. Paulyn Ubial ng 60 araw upang mabili ang kinakailangang mga medical equipment para sa nasabing pagamutan.

“Hanggang ngayon wala kaya sabi ko kay Secretary Ubial, I want it 60 days. I want it 60 days, pati ‘yung ospital ninyo by December. You will get all these equipment, lahat,” paniniyak ni Duterte.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with