Manila-Bicol na tren itatayo
MANILA, Philippines - Plano ng Department of Transportation (DOTr) na bibiyahe mula sa Tutuban sa Maynila hanggang sa Sorsogon Bicol ang mga tren ng Philippine National Railways (PNR).
Ayon kay DOTr Sec. Arthur Tugade, nagkakaroon na ngayon ng pakikipag-usap sa Chinese govermnet upang maitayo ang panibagong proyekto na tinawag na South Long Haul project.
Sinabi ni Tugade, itatayo ang proyekto sa pamamagitan ng Public Private Partnership (PPP) program na popondohan ng P151 billion train line na may 581 kilometers mula sa Laguna, Batangas, Quezon, Camarines Sur, Albay at probinsiya ng Sorsogon.
Anang kalihim, ang solusyon sa masikip na daloy ng trapiko sa Maynila at karatig na probinsiya ay railway project.
Una dito, minarkahan na ng DOTr ang apat na istasyon ng PNR’s P255-billion Manila to Clark Railway project.
- Latest