1,300 kalsada accident prone
MANILA, Philippines - Umaabot na sa 1,300 kalsada ang natukoy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na accident prone areas sa buong bansa.
Ito ang sinabi ni DPWH Undersecretary Raul Asis sa pagdinig ng House Committee on Transportation base sa kanilang traffic accident analysis.
Gumamit umano ng equipment ang ahensiya para ma-survey ang may 18,000 kilometer na kalsada kaya natukoy ang 1,300 black spots o ang accident prone areas.
Giit naman ni Asis na ang nasabing mga accident prone areas ay tinatrabaho na ng kanilang ahensiya sa ilalim ng accident reduction program na popondohan ng P2.4 bilyon sa loob ng tatlong taon base na rin sa utos ni DPWH Sec. Mark Villar.
- Latest