^

Bansa

Kababaihan tumulong sa P7M counter-protest fee ni Leni

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nagtipon sa Supreme Court ang ilang kababaihan para magbayad ng P30,000 bilang kanilang kontribusyon upang tulungan si Vice Pres. Leni Rob­redo sa natitirang P7 million na bayarin sa counter-protest nito laban sa natalong kandidatong si Bongbong Marcos.

Pinangunahan ni Nina Yuson ang mga private individuals sa paghiling sa Supreme Court, na siyang Presidential Electoral Tribunal (PET), na ikonsidera ang kanilang bayad na bahagi ng kanilang pagsisikap na maprotektahan ang kanilang boto laban sa tangkang baligtarin umano ang resulta.

“Naririto kami ngayon muli para protektahan ang aming boto laban sa anak ng diktador,” ani Yuson. “Hinihiling namin sa Korte Suprema na payagan ang mga karaniwang Pilipino tulad namin na patuloy protektahan namin ang aming mga boto”.

Ayon kay Yuson, alam nilang hirap ang bise pre­sidente na bayaran ang protest fee kaya nagpasya silang mag-ambagan para makatulong kahit sa maliit na halaga.

Hindi umano sila inim­pluwensyahan ni Robredo na pinaniniwalaan nilang siyang nagwagi sa 2016 elections.

Nanawagan din sila sa mga private individuals na nagbigay ng suporta kay Robredo na tumulong na protektahan ang kanilang boto sa pamamagitan ng pag-aambag ng kahit magkano para sa nasabing bayarin.

Noong nakaraang buwan ay nagbayad ang bise presidente ng P8 million na partial payment sa kanyang counter-protest na aniya ay mula sa kanyang personal funds at loans mula mga kamag-anak ng namayapa niyang asawang si dating Interior Sec. Jesse Robredo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with