^

Bansa

Imee may kulungan na sa Kamara

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Matapos na lantarang suwayin ang subpoena, inihahanda na ng Kamara ang pagkukulungan kay Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, chairman ng Committee on Good Government and Public Accountability, na ipinahanda na nila ang kwartong pagkukulungan sa gobernadora matapos niyang ihayag na hindi dadalo sa susunod na pagdinig sa Hulyo 25.

Kaya kung talagang hindi umano sisipot si Governor Marcos ay tiyak na ipaaaresto at ipakukulong  nila ito.

Sa kabila nito, titiyakin naman umano ng Kamara na magiging maayos ang lagay niya habang nasa detention subalit mami-miss lang niya ang ilang luxury na kinasanayan.

Sa kasalukuyan, nakadetine pa sa gusali ng Legislative Security Bureau sa Batasan complex ang anim na empleyado ng Ilocos Norte dahil sa hindi umano pagsasabi ng buong katotohanan sa naging transaksyon nila sa daang-daang sasakyan.

Si Marcos ay pina-subpoena na ng komite matapos na tatlong beses niyang dedmahin ang imbitasyon para humarap sa umano’y anomalya sa pagbili ng mga sasakyan ng Ilocos Norte gamit ang P66 milyon na Tobacco Excise Tax Fund.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with