^

Bansa

Marawi crisis tatapusin bago SONA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Marawi crisis tatapusin bago SONA

Muling nagsagawa kahapon ng aerial bombing ang Philippine Air Force sa Marawi laban sa mga natitira pang Maute sa patuloy na labanan ng tropang gobyerno at teroristang grupo. (AFP)

MANILA, Philippines -  Tatapusin ng tropa ng pamahalaan ang krisis sa lungsod ng Marawi na nasa ika-36 araw na kahapon bago ang itinakdang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte sa darating na Hulyo 24.

“Matatapos yang Ma­rawi before SONA para maumpisahan na natin yung repair dun ng mga facilities,” determinadong pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Si Pangulong Duterte ay nakatakdang mag-deliver ng kaniyang ikalawang SONA sa Hulyo 24 o hu­ling Lunes sa susunod na buwan.

Aminado si Lorenzana na may pressure sa tropa ng pamahalaan na matapos na ang krisis sa Marawi dahil hindi naman maganda kung magso-SONA na ang Pangulo na patuloy pa ang patayan.

Simula ng sumiklab ang krisis sa lungsod ng Marawi noong Mayo 23 ay nasa 387 na ang death toll kabilang ang 290 Maute, 27 sibilyan at 70 security forces habang mahigit sa 400 ang nasugatan sa tropang gobyerno.

Ayon sa kalihim, tina­nong niya mismo si AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año at sinabi nito sa kaniya na isa o hanggang dalawang linggo pa ay tapos na ang krisis sa Marawi.

Sa kasalukuyan ay tanging ang mga hawak pang tinatayang 150-200 hostages ang nakakapagpabagal sa operasyon gayundin ang nagkalat na Improvised Explosive Device (IED) na itinanim ng Maute sa battle zone.

Inihayag pa nito na hindi na dapat tatagal pa ang krisis sa Marawi City kung susuko sa pamahalaan ang Maute pero dahil mga tero­rista ang mga ito ay lalaban hanggang sa huling yugto ng kanilang hininga.

Sa kasalukuyan, nasa 250 malalakas na kalibre ng armas ang narerekober ng tropa ng pamahalaan mula sa Maute.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with