^

Bansa

Maute group nagpapatayan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Maute group nagpapatayan

Ayon sa opisyal, may problema sa liderato ang Maute-ISIS at bukod dito ay nauubusan na rin umano ang mga ito ng bala kaya nais ng lumayas sa battle zone ng kanilang mga miyembro kaysa maubos sa labanan kaya pinapatay ang mga ito ng kanilang mga kasamahan. Lawyer Maki Datu-Ramos

MANILA, Philippines - Nagpapatayan na at watak-watak na umano ang Maute group dahilan sa alitan sa pera at agawan ng kapangyarihan matapos iwanan na sila ng kanilang lider na si Isnilon Hapilon.

Napaulat na inabandona na ng itinalagang Emir ng ISIS sa Southeast Asia na si Hapilon ang kaniyang mga tauhan sa bakbakan sa Marawi City  habang napatay na rin umano sa opensiba ang lider ng Maute na si Omarkhayam Maute alyas Omar.

Sinabi ni AFP-Western Mindanao Command Chief Lt. Col. Carlito Galvez na nakatanggap sila ng report na dahilan sa pagkakawatak-watak ng liderato ng Maute-ISIS ay mismong ang ilan sa mga ito ang nagpapatayan dahilan binabaril ang mga tumatakas nilang mga kasamahan.

Ayon sa opisyal, may problema sa liderato ang Maute-ISIS at bukod dito ay nauubusan na rin umano ang mga ito ng bala kaya nais ng lumayas sa battle zone ng kanilang mga miyembro kaysa maubos sa labanan kaya pinapatay ang mga ito ng kanilang mga kasamahan.

“We have heard that they have already executed some of the Maute members na talagang gustong tumakas,” wika ni Galvez.

Sa panig naman ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, sinabi nito na malapit nang makamtan ng tropa ng militar ang tagumpay laban sa terorismo ng nasabing grupo dahilan ang mga ito na rin mismo ang nagkakawatak-watak at nag-aaway na ang mga terorista.

“We see the victory for government troops forthcoming,” ani Arevalo sa press briefing sa Camp Aguinaldo na sinabi pang hindi na magtatagal ay matatapos na rin ang krisis sa lungsod.

Samantalang sinabi naman ni Lt. Col. Jo-ar Herrera, spokesman ng Joint Task Force (JTF) Marawi, matindi ang problema ng Maute-ISIS terrorists na bukod sa pagkawala ng mga lider ng mga ito ay may problema sa komunikasyon at bukod dito ay nauubusan na rin ng bala habang palapit nang palapit sa pinagtataguan ng mga ito ang tropa ng pamahalaan sa apat na Barangay na lamang sa battle zone.

“There is the issue of money, the issue of decision making. Some of them, especially those other groups, would like already to get away from the battle zone. Gusto na nilang lumayas, pero yung iba gusto pang mag-stay dun sa position nila,” ani Herrera.

Sa panig naman ng Malacañang, sinabi nitong humihina na at lumiliit na ang mundo ng Maute group.

Sa Mindanao Hour statement, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, karagdagang 85 na gusali ang cleared na at marami pang susunod sa pag-abanse ng tropa ng pamahalaan.

Ayon kay Usec. Abella, dumarami rin ang narerekober at nakokontrol na strategic vantage points mula sa mga terorista at humihina ang resistance ng mga kalaban. (May dagdag na ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with