^

Bansa

Container van sinunog ng NPA

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY, North Cotabato, Philippines - Sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang container van na kargado ng niyog sa panibagong paghahasik ng karahasan sa Barangay Cuyago, bayan ng Jabonga sa Agusan del Norte noong Sabado.

Ayon sa pulisya, hinarang ng mga rebelde ang nasabing truck bandang alas-3 ng hapon na patungo sana sa bayan ng Medina, Misamis Oriental.

Pinababa ang driver at pahinante bago niratrat ang mga gulong saka sinunog ang container van.

Ayon kay Eric Montargas, driver ng container van, aabot sa10 rebelde ang humarang sa truck.

Dahil sa insidente, na-stranded ng 30-minuto ang daloy ng trapik kung saan naapektuhan ang mga motorista.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with