^

Bansa

Matinding trapik sa Caloocan North, lumalala

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Humingi ng dispensa ang isang opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan dahil sa mas tuminding pagsisikip sa daloy ng trapiko sa North Caloocan bunsod ng konstruksyon ng Metro Rail Transit Line 7.

“Paumanhin po.  Para po sa mga nakararanas ng trapiko sa Almar, Vicas, Llano at Deparo lalo na po sa umaga, eto po ang dahilan.  Una, ginagawa na po ang MRT 7 mula sa Quezon City patungong Bulacan; at tayo po ang ginawang alternate route ng mga bumibiyahe mula Bulacan papasok ng Quezon City,” paha­yag ni Engr. Jay Bernardo, hepe ng Department of Public Safety and Traffic Management-North.

Sinabi ni Bernardo na umaabot din sa Caloocan ang pagsisikip sa trapiko dahil sa pagsasara ng isang linya sa Commonwealth Avenue para bigyang daan ang konstruksyon.

Ipinaliwanag pa ng opisyal na ang mga sasakyang mula sa Bulacan papuntang Quezon City at EDSA ay pumapasok ng Malaria Road papuntang Almar at dadaan ng Vicas papuntang Deparo at Llano saka papasok sa SB Road palabas ng Min­danao Avenue at EDSA. Ang matinding volume umano ng sasakyan ang dahilan ng mabigat na daloy ng trapiko.

Bukod dito, nag-abiso na rin si Bernardo sa mga motorista na lalo pang lalala ang kondisyon sa trapiko sa Agosto dahil sa isasara rin ang bahagi ng Quirino Highway para rin sa konstruksyon ng MRT 7 at ang Caloocan North muli ang gagawing alternate route patungo sa Bulacan.

Ipinag-utos na umano ni Mayor Oscar Malapitan sa DPSTM na pagtuunan ng atensyon ng kanilang traffic enforcers ang pagmamando sa daloy ng trapiko sa mga apektadong lugar upang mabawasan ang problema na idudulot nito.

Ipinanukala naman ng mga residente sa Caloocan North na magpatupad ng “day ban” sa mga delivery trucks na dumaraan sa mga makikipot na kalsada at payagan lamang ang mga ito na makapag-deliber tuwing gabi upang hindi sumabay sa mga pribado at pampublikong sasakyan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with