^

Bansa

2 drug suspek tumba sa shootout

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napatay ang dalawang drug suspek makaraang kumasa at makipagbarilan sa mga pulis sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Ilagan City, Isabela at bayan ng Bagabag, Nueva Vizcaya noong Sabado.

Kinilala ni P/Supt. Ariel Quilang, hepe ng  Ilagan City police ang napatay na si Jaypee dela Cruz na sumawsaw na sa Oplan Tokhang sa Tuguegarao City noong 2016.?

Ayon kay Quilang, napatay si Dela Cruz matapos manlaban nang matunugan na mga pulis ang kanyang ka-transaksiyon sa Barangay Bagumbayan.?

Narekober ang dalawang plastic sachet na shabu at cal. 38 revolver sa bangkay ni Dela Cruz matapos ang insidente. ?

Samantala, napatgay din si Jayson Mallari na tubong Caloocan City matapos itong manlaban sa ikinasang entrapment, ayon kay P/Chief Insp. Jenefer Flores, hepe ng pulisya sa bayan ng Bagabag, Nueva Vizcaya.

Narekober kay Mallari ang isang plastic sachet na shabu, cal. 38 revolver na paltik.

Umabot sa apat na drug suspek ang napatay sa kahalintulad na buy-bust operations matapos manlaban.?

Sa record ng pulisya, dalawa pa ang napatay sa Aparri at Alcala, Cagayan nito lamang nagdaang linggo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with