^

Bansa

Habambuhay na pagkabilanggo vs ATM skimming isinusulong

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Habambuhay na pagkabilanggo vs ATM skimming isinusulong

Isinusulong ng isang kongresista ang panukalang batas na nagbibigay ng mas mabigat na parusa sa mga skimmer o nangongopya ng ATM card para ma-withdraw ang laman nito. File

MANILA, Philippines - Isinusulong ng isang kongresista ang panukalang batas na nagbibigay ng mas mabigat na parusa sa mga skimmer o nangongopya ng ATM card para ma-withdraw ang laman nito.

Sinabi ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone, chairman ng House Committee on Banks and Financial intermediaries, umaangal na umano ang mga bangko dahil tinatrato lamang na theft ang skimming kahit na milyong piso ang halaga na nakukuha rito.

Ayon pa kay Evardone, nakipagkita na sa kanya ang mga security head ng iba’t-ibang bangko dahil sa obsolete na ang kasalukuyang batas kaya problemado sila dahil walang takot ang mga skimmers dahil kaagad silang nakakapagpiyansa.

Kaya sa isinusulong na panukala ng kongresista ay maituturing ng economic sabotage ang skimming at non-bailable na ito na may hatol na habambuhay na pagkakabilanggo.

Bukod dito, lilinawin din umano sa batas na hindi maaaring i-extradite ang isang dayuhan na gumawa ng skimming hanggang hindi natatapos na bunuin ang kanyang sintensya sa bansa.

Nanawagan naman si Evardone sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mas agahan pa ang deadline sa pagpapalit ng mga ATM na gumagamit pa ng magnetic stripe na dapat ay hanggang Hunyo 2018.

Para sa kongresista, dapat mas agahan pa ng BSP ang kanilang time frame at gawin itong Enero 2018, ito ay dahil sa habang pinapatibay ng mga bangko ang security features ng kanilang mga card ay nakakaisip din ng paraan ang mga skimmers para mabalewala ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with