^

Bansa

Meralco may dagdag singil sa Hulyo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Meralco may dagdag singil sa Hulyo

Nilinaw naman ng Meralco na kahit may taas singil sila ay makakaramdam pa rin ng pagbaba ng singil sa kuryente ang mga consumers sa kabuuan ng kanilang monthly bill ngayong Hulyo. File

 

MANILA, Philippines - Magtataas ng P0.02 kada kilowatt hour na singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) simula ngayong Hulyo.

Ayon sa Meralco, ang naturang dagdag sa singil sa kuryente ay ipatutupad nila kada-buwan sa loob ng 29 buwan.

Dahil umano ito sa P1.69 bilyong utang ng Meralco na babayaran sa Philippine Electricity Market Corp. (PEMC).

Nilinaw naman ng Meralco na kahit may taas singil sila ay makakaramdam pa rin ng pagbaba ng singil sa kuryente ang mga consumers sa kabuuan ng kanilang monthly bill ngayong Hulyo.

Ipatutupad din kasi umano ng Meralco sa Hulyo ang ikalawang bugso ng refund na P0.79/kwh, bilang bahagi ng P6.8 bilyong ‘over-recoveries’ mula 2014 hanggang 2016.

Una nang nagpatupad ng P0.79 refund ang Meralco noong Hunyo at ipagpapatuloy pa nila ito hanggang sa Agosto 2017.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with