^

Bansa

Eid’l Fitr message Nat’l unity hiling ni Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Eid�l Fitr message Nat�l unity hiling ni Digong

Hindi lamang panalangin para sa kapayapaan ang hiniling ng mga kapatid na Muslim, kundi nagsagawa din sila ng donasyon para sa mga biktima sa Marawi sa selebrasyon ng Eid’l Fitr kahapon sa Baguio City at Quirino Grandstand sa Maynila. Andy Zapata Jr. at Edd Gumban

MANILA, Philippines - Nakiisa si Pangulong Duterte sa lahat ng mga Filipino-Muslim sa pagdiriwang nila ng Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng Ramadan.

“May this renewed sense of spiritual accomplishment give you the strength and courage to cultivate our communities,” wika ng Pangulo sa kanyang mensahe.

Iginiit din ng Pangulo na dapat magtulung-tulong ang mga Pilipino sa pagbuo ng lipunan na puno ng pagmamahalan, respeto at pagkakaunawaan.

“Together let us work towards building our society that is grounded on love, mutual respect and understanding,” sabi pa ni Pangulong Duterte.

Hinimok din ng punong ehekutibo ang Muslim community na manati­ling positibo sa gitna ng nagpapatuloy na krisis sa Marawi City.

“In times when all odds seem stacked against us, it is our willpower and faith that will always see us through,” he said. “Let us channel our energies towards fostering national unity – because dedicating our lives to the betterment of humanity is the best way to demonstrate our devotion to God,” pahayag pa ng Pangulo

Umaasa si Duterte na ang pagdiriwang na ito ng Eid’l Fitr ay magbibigay-saya sa bawat Filipino-Muslim sa kabila ng pangyayari sa Marawi City na likha ng Maute group.

Una nang idineklara ang Hunyo 26 na regular holiday bilang paggunita sa Eid’l Fitr.

Samantala, nangako naman ang Department of Social Welfare and Development na magdadala ng Ramadan food packs sa mga evacuees.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with