^

Bansa

Maute namumugot na ng hostage

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon
Maute namumugot na ng hostage

Masuwerteng nakaligtas ang ilang mga sibilyan na hostage ng Maute Terror Group sa araw ng itinakdang pagpugot sa kanilang ulo. Lawyer Maki Datu-Ramos/File

MANILA, Philippines - Masuwerteng nakaligtas ang ilang mga sibilyan na hostage ng Maute Terror Group sa araw ng itinakdang pagpugot sa kanilang ulo.

Ito ayon sa isang si­bilyan na si ‘Romy’ sa kanyang pahayag sa ABS-CBN makaraang makatakas ng mag­lunsad ng airstrike ang mga militar.

Aniya, tatlong araw umano silang na-hostage at hindi pinakain dahil pupugutan naman din daw sila ng ulo.

Napag-alaman na tatlong sibilyan na hostage ang pinuputulan nila ng ulo araw-araw.

Wala umanong sina­santo ang mga tero­ris­ta dahil maging ang kanilang katribu na Maranao ay pinugutan din nila ng ulo, ibig sabihin walang ligtas pati ang mga Bisaya.

Sa araw na siya naman ang pupugutan, suwerteng nagsagawa ng air strike ang militar.

“Suwerte kami. Schedule na pugutan kami ulo, dumating ‘yung helicopter, nagbomba. Sabi, ‘Ipasok sila ulit! Ipasok sila ulit,’” aniya.

Akala niya ay ligtas na siya, pero muli siyang itinali at pinaluhod kinabukasan.

Kinaumagahan ay ini­labas na sila ng bahay para sa nakatakdang pagpugot kung saan may dalang mahabang tabak ang mga tero­rista gamit sa pagpugot sa kanilang ulo habang nakaposas ang mga ito.

“Noong nilalabas na kami, dumating na ulit ang helicopter. Bomba ulit. ‘Pasok sila ulit! Pasok ulit!’ Takbuhan sila,” dagdag pa ni Romy.

Doon na tumakas si ‘Romy’ at iba pa niyang kasama. Tumalon sila sa ilog at lumangoy patungo sa safe zone.

Hindi lahat ay nakaligtas dahil ang iba niyang kasama ay hindi maru­nong lumangoy at nanghina dahil di pa kumain.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with