^

Bansa

100 Drug surrenderees nagtapos sa Villar SIPAG drug rehab program

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinahayag ni Senator Cynthia A. Villar na may 100 drug surrenderees ang nagtapos sa 12-week training program na itinataguyod ng Villar SIPAG (Social Institute for Poverty Alleviation and Governance) upang matulungan ang mga dating drug dependents na magkaroon ng makabuluhang pamumuhay pagkatapos ng kanilang rehabilitasyon.

Umaasa si Villar, chairperson ng Senate committee on Agriculture, na ang mga da­ting drug dependents ay mamumuhay na nang normal matapos makumpleto ang training program na idinaos sa Villar Farm School sa Las Piñas City.

Kasabay ng graduation, sa Harvest festival kung saan inani ng mga drug surrenderee ang kanilang mga itinanim na gulay bilang bahagi ng programa. Maaari nilang iuwi ang mga ito sa kanilang pamilya. 

Ayon kay Villar, ang second batch ng drug surrenderees na lumahok sa Community-based Drug Rehabilitation Training Program ay nagmula sa iba’t-ibang barangay ng Las Piñas.

Nagkaroon din sila ng pagsasanay sa urban agriculture para magkaroon ng alternatibong kabuhayan at matiyak ang seguridad sa pagkain ng kanilang mga pamilya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with