^

Bansa

Kapitana, mister patay sa ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ang isang Brgy. Chairwoman at mister nito matapos na tambangan ang mga ito ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Acmac, Iligan City, Lanao del Norte nitong Biyernes ng gabi.

 Sa ulat ng Iligan City Police, kinilala ang mga nasawing biktima na sina Nancita Magaro, 46 anyos, Brgy. Chairwoman sa Brgy. Digkilaan, Iligan City at mister nitong si Jamel Magaro, 36 taong gulang.

 Ang mag-asawa ay kapwa dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan.

 Bandang alas-9 ng gabi nang mangyari ang ambush sa mag-asawa sa kahabaan ng nasabing highway sa Purok Violeta, Brgy. Acmac ng naturang lungsod.

 Ayon sa pulisya, kasalukuyang lulan ng kanilang motorsiklo ang mag-asawa na bumabagtas sa lugar nang harangin at pagbabarilin ang mga ito ng mga armadong motorcycle riding in tandem.

 Narekober naman ng mga rumespondeng ope­ratiba sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

 Pinaniniwalaan namang clan war ang motibo ng krimen habang patuloy pa ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with